Archive for January, 2007

My escape to my own little coloring book world

Monday, January 29th, 2007

If there is one thing that my bestfriend Chai left me, that is to delight in coloring the pages of a coloring book. 

I used to admire my ate on how she colors my ‘binaboy’ na coloring book.  Di kasi talaga ako magaling magcolor dati. :)  When God gave me Chai that is so into coloring books to de-stress herself, I tried to explore her little world. 

As I got involve in my own little world of coloring books, I found myself experimenting on colors.  I found myself deviating from the normal color of the characters.  I found myself not thinking so much if 2 colors will look good side by side.  I found myself following my instinct and heart as I pick a colored pencil from its box.  I found myself listening to my inner self that something is missing on a page.  I found myself getting my fingers dirty with the oil pastel.  I found myself getting lost in my unique little world.

After I complete each page, a smile is always painted on my face.  For every page is my self-expression.  An expression of my radical side.  A chance for me to deviate from the norm.  A chance for me to just follow my instinct without fear.  A change for me to be totally artistic. :)

In my eyes, a page of my coloring book is always a beautiful combination of colors.  Totality is the most important thing of all.  The same thing with our own selves, we may have our rough edges but what’s important is who we really are in the eyes of God. :) 

This is the reason why I would like my closest and dearest friends color a page of my coloring book.  For it is my own little world where I can express a part of me. :)  It is also during those times that I can feel that I am a child again. :)

Thank you LORD for giving wonderful colors to my life!!! Sadyang makulay ang buhay kapag kapiling Ka!!! :)

2007 marks the year when I am REBORN!!!

Monday, January 29th, 2007

January pa lang ng taong 2007 sobra, sobra na ang mga blessings na natatanggap ko.  Sobra-sobrang realizations na ang mga binibigay Niya sa akin.

Ngayon ang araw na nagsimula ako sa bago kong trabaho.  Napa-big smile na naman ako nun naisip ko na napakalaking biyaya ni Lord ito sa akin.  Sobrang exciting ang projects ng team ko at ang pinaka-ok sa lahat e tingin ko nakita ko na ang definition ko ng perfect na boss.  Well base from the things that I’ve heard from my friends in UOB at sa mga naobserbahan ko sa kanya.  Isa siyang mabait, jolly, magaan katrabaho, highly technical, marunong magplan at higit sa lahat e marunong umayaw at mang-away ng users. :)  Ever since naman swerte na talaga ako sa mga boss ko kasi mababait, well yung 1 na nakaaway ko wag na lang nating bilangin kasi ok na naman kami ngayon hehe.  Minsan nga natanong ko si Lord na ang swerte ko ata talaga e magtagal sa mababait na boss pero hindi talaga magaling.  Kaya lang ayoko ng ganon kasi wala akong natututunan masyado.  Kaya napapa ‘I wish I can have it all’ na lang ako dati. :)  Voila!!! Andito na nga ang ok na work na may ok na boss!!! :) 

I believe He let me go through not so good experiences to strengthen me and to make me appreciate more the BEST that He is about to give me.  He also made me experience everything so that I can learn something from each.  I definitely did learn and I know His purpose of each work experience in my life.  Honestly, I was having second thoughts about this job but I prayed for Him to lead me to the right one.  Trusting His will, I pursued this and here I am singing praises and giving Him thanks!

Ito na naman ako, narelate ko na naman sa lovelife ko! Hahahaha!!! Ganitong-ganito din yun e.  Tinatanong ko rin Siya kung pwede ba akong makakuha ng all-in-one na para sa akin.  Believing that He always gives me the best, I decided to let go of my past.  Ngayong nangyari itong sa work ko, I know that He will give the best for me. :)  He always does. :)  Kaya in His perfect time. :) 

Meanwhile, I will be living His gift of a perfect life with only Him as my focus.  With His songs, His love, His presence and His blessings equals a perfect life with an everyday bonus of His biggest, sweetest smile that He plants in my heart that He would like me to radiate to the whole world. :D

I love you Lord!!! Thank You for loving me!!! :)  Thank You for Your blessings. :) 

Let us all open our eyes to God’s answers and lessons in our everyday life. :)  Labs Niya tayong lahat!!!!

Ang paghihintay

Wednesday, January 24th, 2007

Ang tagal kong nabulag

Matagal Kang hinanap sa kalangitan

Iyon pala ay andito Ka lang

Andito sa bawat magisnan

Ang tagal kong namanhid

Matagal Kang hinintay na madama

Iyon pala ay andito Ka lang

Andito sa bawat mahawakan

Ang tagal kong nabingi

Matagal ang batid Mo ay ninais marinig

Iyon pala ay andito Ka lang

Andito sa bawat kapanayam

Ang tagal kong napipi

Ang tagal na hindi Ka binahagi

Ngunit heto ako ngayon

Nagsusumigaw ng PAPURI!!!

Sa piling Mo

Monday, January 22nd, 2007

Sa panahon ng hinagpis

Andito Ka sa aking tabi

Sa panahon ng alinlangan

Andito Ka sa aking piling

Sa panahon ng tuwa

Andito Ka nakikihalakhak

Sa panahon ng katahimikan

Andito Ka nakatitig sa akin

Sa panahon ng galit

Andito Ka at yumayakap

Sa panahon ng tagumpay

Andito Ka may ningning ang mga mata

Inisip ko tuloy

Kailan ka ba nawawala sa aking piling

Naisip ko naman

Magpakailanman Ikaw ay laging nasa aking piling

Sigaw!!!

Monday, January 22nd, 2007

Nag-uumapaw ang pagmamahal

Napapatula ako

Nag-uumapaw ang pagmamahal

Napapasayaw ako

Nag-uumapaw ang pagmamahal

Napapaawit ako

Nag-uumapaw ang pagmamahal

Napapangiti ako

Nag-uumapaw ang pagmamahal

Napapaiyak ako

Nag-uumapaw ang pagmamahal

Napapahalakhak ako

Gusto kong isigaw sa buong mundo

Ang pagmamahal Mong buong-buo

Gusto kong isigaw sa buong mundo

Ang kagalakan sa piling Mo

Pagmamahal na walang humpay

Monday, January 22nd, 2007

Minsan na akong nagtanong

Kung nasaan Ka sa buhay ko

Minsan na akong nag-isip

Kung andito Ka nga ba sa piling ko

Minsan na akong nagtanong

Kung ako nga ba ay Iyong mahal

Minsan na akong nagisip

Kung Ikaw ba ay isang panaginip

Minsan na akong nawala

Ng hindi alam kung ano ang gagawin

Minsan na akong nagalit

Ng di mabatid ang Iyong pag-iisip

Sa kabila ng lahat ng ito

Andyan Ka pa rin hinihintay ako

Sa kabila ng lahat ng ito

Walang sawa pa rin ang pag-akay Mo

Sa kabila ng lahat ng ito

Minamahal Mo pa rin ako

Sa kabila ng lahat ng ito

Niyayakap Mo pa rin ako

Sa kabila ng lahat ng ito

Hinahagkan pa rin ako

Sa kabila ng lahat ng ito

Tinanggap Mo pa rin ako

Salamat Panginoon, Salamat Diyos ko

Salamat…. Salamat….

Luha

Sunday, January 21st, 2007

Dati rati minsan lang lumuha

Dati rati iisang uri lang ang aking niluluha

Luha ng hapis, luha ng lungkot

Luha dahil sa mundong umiikot

Ngayong kapiling Ka na

Ngayong nasa akin Ka na

Ngayong damang-dama Ka na

Ngayong ako ay Iyong-Iyo na

Mas madalas na akong lumuha

Mas madalas na ngang bumaha

Luha ng pagmamahal, Luha ng saya

Luha ng pasasalamat, Luha ng pakikipagbaka

Ngayon narito Ka na

Ngayon ibang-iba na

Ikaw ang bawat luha

Ikaw lang at wala ng iba

Thank You Lord for the inspiration.  Thank You Lord for using me as the writer of Your poems. :) 

To GOD be the glory!!!!!

Moomai <- God’s beautiful puppet for life!!!! :)

Faith????

Saturday, January 20th, 2007

2006 is really a great year for me.  There are a lot of trials and mind-boggling experiences.  However, the blessings surely outnumbered the hardships. 

God gave me the most precious and the most beautiful learning of all.  That is, He definitely answers our prayers.  Even if we have a faith that is as small as a mustard seed, even if we don’t know how He will answer our prayers, JUST PRAY!!!  Pray with that mustard seed of faith.  Do what you need to do and let Him do the rest.

You will see a miracle happening when He transforms that mustard seed of faith to as big as the whole galaxy.  One thing is for sure, no one can ever outdo God in His faithfulness and generosity.  NO ONE!!!  This is His promise.

If in case He does not give you what you praying for, I am 100% sure that He only has the best for you.  Our God knows best!!!  Never ever lose faith.

Prayers and active faith is the key to all. :)  I LOVE YOU LORD!!!! Wala akong masabi kung hindi, I LOVE YOU LORD!!!!

Pagmamahal Mo

Saturday, January 20th, 2007

Sa bawat patak ng ulan

Sa bawat sinag ng araw

Sa bawat simoy ng hangin

Kasiguruhan ng pagmamahal Mo ang nadarama

Sa bawat ngiting nakikita

Sa bawat yakap na nadarama

Sa bawat halik na natitikman

Init ng pagmamahal Mo ang nadarama

Sa bawat tulang sinusulat

Sa bawat musikang inaawit

Sa bawat sayaw na ginagalaw

Yaman ng pagmamahal Mo ang nadarama

Sa bawat halakhak na naririnig

Sa bawat hakbang na tinatapak

Sa bawat hiningang nilalasap

Laki ng pagmamahal mo ang nadarama

The poet in me.. :)

Saturday, January 20th, 2007

I used to write poems during my High School days.  All are poems of love.  I lost the poet in me for so many years and now I have it back. :)  So here I am writing to every beat of my heart. :)

Ngayong kapiling KA….

Kakaibang saya ang nadarama

Ng nabatid na ako’y Iyong mahal

Kakaibang pagmamahal ang nadarama

Ng nadama ang Iyong pagmamahal

Kakaibang ngiti ang namumutawi

Ng malaman na Ikaw ang aking ngiti

Kakaibang tibok ang pumipintig

Ng malaman na Ikaw ang bawat pintig

Kakaibang sayaw ang ginagalaw

Ng nalamang Ikaw ang bawat galaw

Kakaibang musika ang sinisigaw

Ng sa puso ang naghahari ay Ikaw

Kakaibang ningning ng mga mata

Ng laging Ikaw ang nakikita

Bawat saya, bawat ngiti, bawat tibok, bawat galaw

Ay ibang-iba ngayong kapiling Ka

Thank you Lord!!! Ikaw ang Inspirasyon, Solusyon at Kasagutan sa lahat ng bagay!!! :)

Wag na lang kaya ako magtrabaho at magsulat na lang ako ng blog lagi! hahaha Kaya lang wala akong paghuhugutan pag nakatago lang ako sa bahay.  God is everywhere and He speaks to us through everything. :)